Ipinagmalaki ng National Basketball Association (NBA) na mayroon 125 na international players sila ngayong season.
Mayroong 40 bansa at lahat ng mga teritoryo na sa anim na kontinente ay mayroong mga manlalaro.
Ito na ang pang-10 sunod na taon na ang NBA ay mayroong mahigit na 100 international players at tatlong sunod na season na mayroong mahigit 120 ang bilang.
Lahat aniya ng 30 na NBA teams ay mayroong isang foreign players.
Sa nasabing bilang ay 26 dito ay mula Canada, 14 mula sa France na sinundan ng Australia na mayroong siyam na manlalaro, Serbia na mayroong p ito at Germany na mayroong anim.
Kapwa mayroong tig-walong international players ang Dallas Maverickst at Oklahoma City Thunder na sinundan ng Toronto Raptors at San Antonio Spurs na mayroong tig pito habang tig-anim naman na international players ang Boston Celtics at Phoenix Suns.
Sa huling limang season ay napunta sa mga international players ang Most Valuable Player awards na una ay si Joel Embiid noong 2022-23 mula Cameroon; Nikola Jokic ng Serbia mula 2021-2022 at 2020-2021 at Giannis Antetokounmpo ng Greece noong 2019-2020 at 2018-2019.