-- Advertisements --

Inaprubahan na ng NBA Board of Governors ang bagong polisiya na tinawag na Player Participation Policy.

Sa nasabing bagong polisiya ay babawalan ang mga koponan na pagpahingain ng mga koponan ang mahigiti sa isa nilang “star” player sa bawat laro.

Ang sinumang lumabag nito ay mapapatawan ng mabigat na kaparusahan ang mga koponan.

Sinabi ni NBA commissioner Adam Silver na ang nasabing patakaran ay para mabigyan ng kasiyahan ang mga fans upang maging sulit ang kanilang panonood.

Magugunitang maraming mga koponan na ang napatawan na ng kaparusahan matapos na hindi nila paglaruin ang kanilang star player tuwing nakikitang mahina ang kanilang makakaharap.