-- Advertisements --

Hindi na umanong magiging mandatory ng NBA ang pagkakaroon ng COVID-19 vaccination sa papasok na 2022–23 season.
Ito ay batay sa nakapaloob na memo ng liga.

Gayunman sa kabila nito, nanawagan pa rin ang NBA sa lahat ng mga players at personnel na magpaturok ng vaccines at sumunod sa mga federal at state guidelines.

Kung maalala nitong nakalipas na NBA season naging kontrobersiyal ang NBA star na si Kyrie Irving na maraming beses na hindi nakalaro dahil patakaran ng New York at sa homecourt ng team na Brooklyn Nets, hanggang sa huli ay tinanggal na ng new york mayor ang vaccine mandate.

Batay naman sa impormasyon ang NBA at ang players organization ay nakamit ang 97% vaccination at 75% booster rate sa mga players.