-- Advertisements --

Nagpasalamat si FIBA ambassador Carmelo Anthony sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga Pinoy fans, sa loob ng pananatili niya sa Pilipinas, sa kasagsagan ng mga laban sa FIBA Basketball World Cup.

Sa isang mensahe na inilabas ni melo, nagpasalamat siya sa ‘hospitality’ ng mga Pinoy, simula dumating pa siya sa pilipinas.

Ipinagpapasalamat din ng NBA legend ang aniyay ‘feel at home’ na ipinapakita ng mga Pinoy sa kanya at iba pang dayuhang manlalaro na kalahok sa pinakamalaking turneyo sa basketball.

Kasabay nito, sinabi rin ng NBA legend na isang malaking karangalan na magsilbing ambassador o kinatawan ng FIBA, kasama ang iba pang batikang manlalaro, katulad nina Pau Gasol at Luis Scola.

Ang basketball aniya ay isa sa pinakamalaking global sports sa buong mundo, na siyang pinatunayan ng mga atleta at mga fans nitong nakalipas na linggo.

Maalalang dumating si Melo sa Pilipinas noong Setyembre-7, bago ang pagsisimula ng semi finals.