Naglabas ng pahayag ang National Basketball Association(NBA) na kumokundena sa karahasang nangyayari sa Israel.
Sa opisyal na pahayag ng NBA, nakasaad dito na nakikidalamhati ang buong liga sa sinapit ng napakaraming buhay sa naturang bansa.
Kasabay nito ay kinundena ng naturang liga ang tinawag nitong ‘acts of terrorism’ na ginawa sa bansang Israel, na ikinasawi ng maraming buhay.
Nakikiisa rin ang NBA sa mga mamamayan ng Israel kasabay ng panalanging magkaroon ng kapayapaan sa buong Middle Eastern Region.
Mula nang mabuo ang buong NBA, ilang mga Israeli athletes na ang naging bahagi ng nito.
Pinakahuli dito ay ang kasalukuyang Small Forward ng Washington Wizards na si Deni Avdija
Maalalang agad ding naglabas ng pagkundena ang Estados Unidos sa pamamgitan ng Pres Joe Biden, matapos ang ginawang pag-atake ng Hamas sa Israel na nagsimula nitong araw ng Sabado.