-- Advertisements --
Inaprubahan na ng NBA ang pagbebenta ng Dallas Mavericks.
Kasunod ito sa naging hiling sa NBA ni Mavs owner Mark Cuban na ibebenta ang majority stakes niya sa koponan sa pamilya na nagpapatakbo ng casino resort company.
Ayon sa liga na nagkasundo ang board of governors ng NBA na aprubahan ang controlling interest ng Mavs mula kay Cuban patungo sa pamilya nina Dr. Miriam Adelson at Sivan, Patrick Dumont.
Tatayo si Patrick Dumont, ang pangulo at chief operating officer ng Sand Corporation ng Las Vegas, bilang governor ng Mavericks.
Ang nasabing pag-apruba ay inilabas halos isang buwan matapos na maayos ang kasunduan.