-- Advertisements --

Mas iinit pa ang Game 3 ng NBA Finals na magaganap bukas sa pagitan ng Indiana Pacers at Oklahoma City Thunder.

Isasagawa ito sa Gainbridge Fieldhouse sa Indianapolis bukas ng umaga.

Matapos ang dominanteng panalo ng Thunder sa Game 2 (123-107), ang serye ay tabla sa 1-1.

Kaya naman ang Pacers ay kailangang magpakita ng mas matibay na depensa, lalo na laban kay Shai Gilgeous-Alexander, na nag-average ng 37.5 puntos kada laro laban sa kanila ngayong season.

Hindi rin sila dapat mapahiya sa kanilang balwarte dahil labis na malulungkot ang kanilang fans.

Samantala, ang Thunder ay 5.5-point favorite sa Game 3, na may humigit-kumulang na 228.5 puntos.

May mga basketball analyst ay nagtataya na Thunder ang mananalo sa Game 3, ngunit inaasahan din nilang magiging mas dikit ang laban kumpara sa Game 2.