-- Advertisements --
Bumisita si 2024 NBA champion Jaylen Brown kay 8-division world champion Manny Pacquiao.
Si Brown ay nasa Pilipinas bilang bahagi ng kaniyang 2025 Asia Tour.
Tulad ng laging ginagawa ni Pacquiao sa kaniyang mga bigating bisita, inalok din niya ang Boston star na maglaro ng chess habang nanonood ang iba pang kasamahan.
Nagstare down din ang dalawa bago naglaro ng chess.
Ayon kay Brown, isa si Pacman sa kaniyang mga iniidolo sa sports.
Huling lumaban sa ring ang 8-division world champion nitong buwan ng Hulyo na nagresulta sa isang draw. Ito ang kaniyang unang professional fight kasunod ng naunang pagreretiro, apat na taon na ang nakakalipas.
Hawak naman ni Brown ang 2024 NBA championship ring, kasama ang NBA Finals MVP.