-- Advertisements --
image 575

Bagaman wala pang kumpirmasyon mula sa management ng Golden State Warriors, ilang mga NBA analysts ang naniniwalang babalik na sa NBA ang dating Center ng liga na si Dwight Howard.

Una kasi rito ay ipinatawag ng GSW ang batikang Sentro upang magsagawa ng work out, kasama ang mga trainer at mga player ng koponan.

Matapos ang dalawang araw na training session at interview, napabalita ang tuluyang pag-eensayo ni Howard, kasama ang deffensive specialist ng Warriors na si Draymond Green.

Ayon sa ilang mga NBA insiders, posibleng nalalapit na ang pagbabalik ng three-time NBA Defensive Player sa NBA, sa ilalim ng Golden State.

Kung sakaling mangyayari ito, ayon sa mga NBA analysts, tiyak umanong malapit na ang ika-limang championship ng Golden State.

Maalalang naging bahagi si Howard ng 2020 Los Angeles Lakers team na nagkampeon sa pangunguna ni Lebron James. Matapos nito, na-trade ang batikang center sa ibang koponan, hanggang sa walang koponan na pumayag magbayad ng veteran’s minimum para sa kanya.

Dahil dito ay napunta si Howard sa Taiwan at dito ipinagpatuloy ang karera.

Sa loob ng kanyang paglalaro sa taiwan League, kumamada si Howard ng 23.2 points per game at 11.5 rebounds per game.