Asahang lalo pang lalakas ang sea lift capability ng Philippine Navy ngayong mapapaaga ang delivery ng pangalawang missile frigate ng hukbo mula sa South Korea.
Ito’y matapos aprubahan ng joint Department of National Defense (DND) at Philippine Navy (PN) inspection team ang delivery and acceptance ng BRP Antonio Luna (FF151).
Ayon kay Rear Admiral Alberto Carlos, chairman ng Frigate Technical Inspection and Acceptance Committee, na-comply ng contractor ang Hyundai Heavy Industries ang lahat ng mga napagkasunduang technical specifications para sa FF151.
Pumasa aniya sa lahat ng vessel performance test protocols ang pangalawang missile frigate.
Iniulat din ni Carlos na nasa USD 7.4 million ang halaga ng mga dagdag na equipment ang ibinigay ng HHI bilang kanilang goodwill gesture.
Nakatakdang aalis ng Ulsan South Korea ang FF151 sa darating na February 5 at darating sa bansa sa February 10.