-- Advertisements --

Sinimulan na ng Navotas City Government ang pagbabahay-bahay para mabakunahan ang kanilang residente laban sa COVID-19.

Sinabi ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na inuuna nila ngayon ang mga bed ridden na senior citizens o mga may edad na hindi na kayang makapunta sa mga itinakdang mga vaccination sites.

Sa unang araw ay mayroong 30 mga senior citizens ang naturukan na ng bakuna na naninirahan sa Barangay Tangos North at South.

Mula ng simulan ang pagpapabakuna ng mga nasa A5 category ay umaabot na rin sa 160 miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang nabakunahan na.