-- Advertisements --

Dinala sa pagamutan si dating Public Works Secretary Manuel Bonoan matapos na tumaas ang kaniyang blood pressure matapos lumabas ang arrest warrant nito mula sa Sandiganbayan.

Kinumpirma ni Deparment of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla matapos ang boluntaryong pagsuko ni Senator Jinggoy Estrada.

Kasama kasi ang dating Kalihim na nahaharap sa kasong plunder dahil sa anomalya sa flood control.

Sinabi pa ni Remulla na bantay sarado ang PNP General Hosptial kung saan ang doktor ang magdedesisyon kung maari na makalabas si Bonoan para harapin ang kaniyang kaso.

Magugunitang noong nakaraang linggo ay nagpiyansa si Bonoan at Estrada sa Sandiganbayan dahil sa kasong graft.
Habang ang Fifth Division Sandiganbayan ay naglabas na ng warrant of arrest nitong araw ng Lunes.