Bukas na for public bidding sa mga suppliers ang procurement ng Philippine Army na nasa P2.6 billion halaga ng mga bibilhing mga bala, armas at mortars.

Ayon kay Philippine Army spokesperson Lt. Col. Louie Villanueva ang nasabing procurement ng hukbo ay magsisilbing replenishment sa mga nagamit nuong kasagsagan ng Marawi siege at iba pang operasyon laban sa mga teroristang Maute-ISIS, ASG,BIFF, NPA at iba pang local terrorist group.

Aniya, kailangan na ring palitan ang mga naubos na mga bala at mortar ng iba’t ibang units ng Philippine Army.

Layon ng nasabing procurement ay para hindi sila maubusan ng mga stocks ng mga ammunitions, mortars at armas at iba pa.

Kung magugunita halos maubos ang mga nakaimbak na mga bala at mortars ng Army dahil operasyon nito sa Marawi.

Giit nito na ang mga naka-program na stocks ng mga bala at mortars na dapat ngayong taon at sa susunod na taon ay nagamit rin dahil kaliwa’t kanang operasyon ng militar.

Tiniyak naman ni Villanueva na sapat ang supply ng mga bala at mortars ng Philippine Army.

Kailangan lamang madagdagan ang mga ito lalo na ngayon na lalo pang pinalakas ng militar ang kanilang operasyon laban sa mga local terrorist groups gaya ng Maute-ISIS, BIFF, Abu Sayyaf at NPA.

Inihayag din nito na marami pang mga projects ang nakalinya na ang iba ay for negotiation pa habang ang iba ay due for delivery.