-- Advertisements --

Nanantiling matatag pa rin ang suporta ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) sa Ukraine.

Ito ang naging pagtitiyak ni NATO Secretary General Jens Stoltenberg ng personal itong bumisita sa Ukraine.

Ang nasabing pagbisita ay siyang unang pagkakataon ng bumisita siya sa Ukraine mula ng lusubin sila ng Russia.

Mula din aniya noong Pebrero 2022 sa paglusob ng Russia ay mayroon ng mahigit $71 bilyon na military aid ang naibigay ng NATO sa Ukraine.

Pinapabilisan na rin nito ang pagiging NATO member ng Ukraine para maging protektado ito sa anumang bansa na mananakop dito.

Pinasalamatan naman ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang NATO chief na itinuturing na matatag na kaalyansa sila dahil sa pagbisita nito ng personal sa kanilang bansa.