-- Advertisements --

Pinaghahanda ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) ang mga bansa na dapat ay magbigay ng pangmatagalang tulong sa Ukraine.

Sinabi ni NATO secretary general Jens Stoltenberg na nakikita nilang walang balak ang Russia na umatras.

Dagdag pa nito na para mailigtas ng Ukraine ang kaniyang soberanya ay dapat mabigyan sila ng tulong militar.

Bagamat maraming mga lugar na ang nabawi ng Ukraine subalit hindi nagpapakita ang Russia na sila ay natatalo na.

Una na ring inakusahan ni Russian President Vladimir Putin ang mga western countries na ginagamit ang Ukraine para sirain ang kaniyang bansa.