-- Advertisements --

May mga parating pa ng mga heavy weapons mula sa iba’t-ibang bansa ang ibibigay sa Ukraine.

Sinabi ni North Atlantic Treaty Organization (NATO) Chief Jens Stoltenberg, bahagi ito ng pagtupad ng mga bansa sa kanilang pangako na pagbibigay ng mga armas militar sa Ukraine.

Mahalaga aniya ang mga armas para sa paglaban ng Ukraine sa pananakop ng Russia.

Asahan pa aniya ang pagdating pa ng mga armas sa mga susunod na linggo dahil sa hindi sumusuko ang Russia sa pananakop nila sa Ukraine.

Mula kasi noong magsimula ang pananakop ng Russia ay hindi na huminto ang mga kaalyadong bansa ng Ukraine na magbigay ng mga tulong militar.