-- Advertisements --
Nanawagan ang North Atlantic Treaty Organization (NATO) sa Iran na makibahagi sa kanilang isasagawang imbestigasyon sa pagbagsak ng Ukrainian passenger plane na ikinasawi ng 176 na pasahero.
Sinabi ni NATO chief Jens Stoltenberg, na mahalaga ang pakikibahagi ng Iran para maging transparent ang kanilang imbestigasyon.
Dagdag pa nito na walang rason para hindi sila maniwala sa ulat na pinabagsak ng Iranian air defense system ang nasabing eroplano dahil halos magkakapareho ang sinasabi ng mga iba’t-ibang kaalyaldo nila na ang Iran ang nasa likod ng pagbagsak ng Ukrainian passenger plane.
Nauna ng pinabulaanan ng Iran na kanilang pinagbagsak ang nasabing Ukrainian passenger plane na ikinasawi ng 176 pasahero.