Nagbabala ang North Atlantic Treaty Organization ( NATO) kasunod ng agresibong military threat ng China na tinawag ng alliance na “systemic challenge.”
Ayon sa NATO alliance, patuloy ang pagpapalakas ng China sa nuclear weapon at military modernization nito at military ties sa Russia.
Sa isang statement naman, inakusahan ng China ang NATO nang paninira sa peaceful development ng bansa at iginiit na committed ang China sa defence policy nito.
Giit pa ng China, hindi ito magpapakita ng “systematic challenges” sa anumang bansa subalit hindi rin naman daw ito magsasawalang kibo sa oras na hamunin ito.
Nagbabala naman si NATO chief Jens Stoltenberg, halos malapit ng mapantayan ng China ang NATO pagdating sa military at teknolohiya.
Subalit binigyang diin nito na hindi gusto ng alliance na sumiklab ang panibagong Cold war sa bansang China at hindi rin aniya kalaban ang naturang bansa.
Nauna rito, nababahala ang NATO sa lumalawak na military capabilities ng China na kabilang sa may pinakamalaking pwersa militar sa buong mundo.
Nakikita raw ng alliance at nabanggit na rin ni US President Joe Biden na banta sa seguridad ang China at sa “democratic values” ng mga kaalyadong bansa.
Sa unang pagkakataon matapos ang NATO Summit naisama sa kanilang joint stament ang isyu sa China kasabay nang pagtiyak na kanila itong tatapatan. (wth reports from Bombo Everly Rico)