-- Advertisements --

Dadagdagan pa ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) ang mga sundalong ipapadala sa Kosovo.

Kasunod ito sa pagkakasugat ng 30 peackeeping forces ng NATO matapos na makasagupa ang mga nagsagawa ng kilos protesta.

Hindi na binanggit pa ng NATO kung kailan at ilan ang mga peacekeeping forces ang kanilang ilalagay sa Kosovo.

Nagbunsod ang nasabing kilos protesta ng hindi lumahok ang mga Serbs sa local elections noong Abril kung saan ang ethnic Albanian candidate ang nagwagi bilang alkalde sa apat na Serb-majority municipalities.

Hindi kasi tinatanggap ng mga majority Serbs sa north Kosovo ang 2008 declaration of independence mula sa Serbia at kinokonsidera pa rin nila ang Belgrade ang kanilang capital.

Binubuo ng 90 percent Ethnic Albanians ang populasyon ng Kosovo pero isinusulong pa rin ng northern Serbs ang implementasyon ng EU-brokered 2013 deal para sa paggawa ng associaton of autonomous municipalities sa kanilang lugar.