-- Advertisements --

Hindi itinturing ni North Atlantic Treaty Organization (NATO) na kaaway ang China.

Kasunod ito sa pagkakaroon ng magandang ugnayan ng China at Russia sa kasagsagan ng krisis sa Ukraine.

Ayon pa sa NATO chief na kahit na hindi itinuturing na kalaban maituturing pa rin ito ng banta.

Inihalimbawa nito ang patuloy na pagpapalakas ng China ng kanilang military bukod pa sa nuclear weapons.

Hindi rin aniya humihinto ang China sa pambubully sa Taiwan at ibang mga bansa.