Nakahanda ang North Atlantic Treaty Organization (NATO) na pakilusin at magpadala ng karagdagang peacekeeping force sa Kosovo sakaling tumindi pa ang tensiyon sa pagitan nila ng karatig na Serbia.
Ayon kay NATO Secretry General Jens Stoltenberg, aabotr sa 4,000 military troops na mayroon ang NATO sa Kosovo.
Una rito, nag-ugat ang tensiyon sa pagitan ng Serbia at Kosovo ngayong buwan nang ianunsiyo ng Kosovo ang pagobliga sa mga mamamayan ng Serbia na naninirahan sa North na gumamit ng car license plate na inisyu ng Kosovo.
Humupa ang sitwasyon matapos na pumayag si Kosovo Prime Minister Albin Kurti sa tulong ng US at EU na ipagpaliban ang pagpapatupadng number plates rule hanggang September 1.
Magugunita, na naipanalo ng Kosovo ang independence nito mula sa Serbia noong 2008. Bagamat itinuturing ng Serbia bilang bahagi ng kanilang teitoryo.