-- Advertisements --
Binalaan ni North Atlantic Treaty Organization (NATO) Secretary-General Jens Stoltenberg ang China kapag magbigay ng mga armas sa Russia.
Kasunod ito sa naunang pahayag ni US Secretary of State Antony Blinken na mayroong balak ang China na magbahagi ng mga armas sa Russia habang isinasagawa ang paglusob nito sa Ukraine.
Sinabi pa ni Stoltenberg na hindi sila magdadalawang isip na patawan ng kaparusahan ang China kung sakaling ituloy nito ang nasabing balakin.
Una ng nagbabala si US President Joe Biden kay Chinese President Xi Jinping na mahaharap sila sa anumang sanctions kapag itinuloy ang nasabing pagbibigay ng mga armas.