-- Advertisements --

Sisimulan na raw pag-usapan ng Chinese parliament ang pagpapanatili ng kapayapaan sa Hongkong kasunod ng nagpapatuloy na malawakang kilos-protesta sa lungsod sa kabila ng coronavirus outbreak.

Ayon kay Zhang Yesui, tagapagsalita ng National People’s Congress, layunin umano ng China na isama sa pagpupulong ang national security legislation sa Hongkong ngunit hindi na ito nagbigay pa ng detalye.

Kinakailangan aniya na ayusin ang mga bagay sa Hongkong upang mas mapagpabuti pa ang institutional framework ng pinaiiral na “one country, two systems.”

Sinubukan na dati ng Hongkong na gumawa ng parehong ordinansa ngunit nabigo lamang ang mga ito dahil sa hindi pagpayag ng kanilang mamamayan.

Hindi naman suportado ng mga pro-democracy lawmakers mula Hongkong Legislative Council at civic groups ang naturang plano ngg Beijing.