india coronavirus 4

Nauwi sa panic-buying ang tuluyang pagpapatupad ng 21-day nationwide lockdown sa India na sisimulan mamayang gabi bilang hakbang para pigilan ang pagkalat ng coronavirus sa bansa.

Ito ay sa kabila nang paninigurado ni Indian Prime Minister Narendra Modi na kailanman ay hindi sila kukulangin ng supply sa pagkain at iba pang pangangailangan.

Nagkaroon ng mahabang pila ng mamimili sa mga grocery stores bago pa man matapos ang talumpati ng prime minister.

Habang ang iba naman ay tila nakalimutan ang pinapairal na social distancing matapos magmadaling lumabas ng kanilang mga bahay at magtungo sa mga palengke para bumili ng kani-kanilang stock ng pagkain.

Bigla ring nagmahal ang presyo ng mga prutas at gulay sa palengke. Hindi naman pumayag ang mga nagtitinda na babaan ang presyo ng kanilang mga paninda sa kabila nang pamimilit ng mga mamimili.

Bumuhos din ang mga tao sa mga botika para naman bumili ng gamot. Naging in-demand din dito ang face masks at hand sanitizer.