-- Advertisements --

National triathlon coach Roland Remolino, aminado na magiging mahirap ang laban ng mga atleta ng Pilipinas sa 2022 Asia Triathlon Junior and U23 Championships; tiwalang makakapasok sa Top 15

Buo at malakas ang tiwala ni national triathlon coach Roland Remolino sa kakayahan ng mga atletang Pinoy na lalahok sa 2022 Asia Triathlon Junior and Under 23 Championships na gaganapin sa Nur-Sultan, Kazakhstan sa darating na Hulyo 23.

Kabilang sa atletang kumakatawan sa Pilipinas sina Raven Faith Alcoseba, Kim Remolino, Matthew Justine Hermosa, Josh Ramos, Juan Francisco Baniqued, Gene Quiambao, at Erika Burgos.

Aminado pa si Remolino na magiging mahirap ang laban ng mga ito lalo pa’t mahigit 100 ang lalahok at maraming magagaling na atleta mula sa ibang bansa.

Gayunpaman, tiwala itong makakapasok sa Top 15 ang mga atleta at papawisan at papahirapan din umano ng mga ito ang mga kalaban.

Lagi din umano nitong pinapaalala sa mga atleta na maghangad ng mataas, abutin ang ginto, at mangarap ng malaki.