-- Advertisements --

Mas malaking national tax allotment ang ilalaan ng gobyerno para sa local government units (LGUs) sa susunod na taon.

Ayon kay Budget Secretary Wendel Avisado, inaasahang aakyat ito sa P959 billion sa 2022.

Mas mataas ito ng P263.54 billion o 37.89 percent kaysa sa alokasyon ngayong taon.

Aabot sa 43,649 local governments ang makakatanggap ng naturang funding.

Sa nasabing bilang, P220.57 billion ay mapupunta sa 82 probinsya, P220.57 billion sa 146 cities, P326.07 billion sa 1,488 municipalities at P191.80 billion para sa 41,933 mga barangay.

Nabatid na ang LGUs ay entitled para sa 40-percent share sa national internal revenue taxes, sa ilalim ng Local Government Code of 1991.

Gayunman, sa mga susunod na taon ay inaasahang mas mababa na ang makukuha ng mga lokal na pamahalaan.