Rally
-- Advertisements --

Kabi-kabilaang kilos protesta ang nagaganap sa iba’t-ibang estado ng US sa loob ng anim na araw matapos ang pagkamatay ng black American na si George Floyd.

Mahigit 20 lungsod na rin sa lugar ang nagpatupad ng curfews habang ipinakalat na rin sa 15 estado kabilang na ang Washington ang mga Natioal Guards.

Idineklara na rin ang State of emergency sa Texas at Virginia kung saan tatayong Texas peace officers ang mga federal agents at ang paggamit ng mga resources kabilang na ang Virginia National Guard.

Umabot naman sa 40 katao ang inaresto ng Louiseville Metro Police Department (LMPD) habang in-activate na ni Florida Governor Ron DeSantis ang kanilang National Guard.

Ipinagsisigawan pa rin ng mga protesters na dapat makasuhan ang apat na pulis na umaresto kay Floyd.

-- Advertisement --

Pinayuhan naman ng White House ang kanilang mga empleyado na huwag munang pumasok dahil sa nagaganap na magkabilaang kilos protesta.

Nakatakda namang ideklara ni US President Donald Trump bilang terrorist organization ang anti-fascist group na Antifa.

Inakusahan kasi nito ang nasabing grupo na nagsimula ng mga riots at kilos protesta dahil sa pagkamatay ni Floyd.

Ang antifa o shortcut ng anti-fascist o Anti-Fascist action na isang protest movement na mahigpit tinututulan ang neo-Nazis, fascism, white supremacists at racism.