Inihayag ng National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) na puspusan ang restoration at relief activities kasunod ng pananalasa ng Tropical Storm Paeng.
Sinabi ng kagawaran na pinakilos nito ang humigit-kumulang 600 tauhan o 73 line gangs para mapabilis ang post-Paeng restoration works.
Apat na chopper ang nag-augment ng foot patrol para mapabilis ang line inspection.
Dagdag pa ng ahensiya na naibalik na ang transmission services sa Sorsogon, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Laguna, Samar, Eastern Samar, Northern Samar, Leyte, Southern Leyte, Antique at Aklan simula alas-10 ng umaga kahapon.
Umaabot lamang sa antas ng mga kooperatiba o distribution utilities ang transmission services.
Pinayuhan ng ahensiya ang mga consumers sa household level na walang kuryente na makipag-ugnayan sa kanilang lokal na service provider para sa mga restoration schedules.