-- Advertisements --
image 62

Todo paliwanang ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa muli nitong paglalagay sa Luzon grid sa yellow alert ngayong araw.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines, nasa apat daw na power plants ay nasa forced outage habang ang tatlo ay tumatakbo sa pamamagitan ng derated capacities.

Dahil dito ay mayroon ngayong 2,145MW ang hindi available sa grid.

Sa advisory ng NGCP, sinabi nitong ang Luzon grid ay nasa ilalim ng yellow alert mula kaninang ala-1:00 hapon hanggang alas-4:00 ng hapon at mula alas-5:00 ng hapon haggang alas-6:00 ng gabi.

Ang yellow alert at nangangahulugang mayroong manipis na reserve base sa pagkakaiba ng supply at demand.

Mayroong namang available capacity ang Luzon grid na 11,522 MW laban sa peak demand na 10,612 MW.