-- Advertisements --

Pinagbabayad ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) ng P5.1 million na multa at binalaan na posibleng matanggalan ng prangkisa.

Ito ay kung magpapatuloy ang paglabag nito sa patakaran ng Department of Energy (DOE) sa pagbili ng power reserves.

Ayon sa ERC, nilabag ng grid operator ang Department Circular No. DC2021-10-0031 na may pamagat na Prescribing the Policy for the Transparent and Efficient Procurement of Ancillary Services by the System Operator” o AS-CSP Policy.

Sa ilalim ng Section 7.4 ng naturang polisiya, kailangan muna ng approval ng DOE sa Terms of Reference (TOR) bago ang publication ng Invitation to Bid (ITB).

Sa desisyon ng ERC na may petsang oktubre 24, itinuturing nito ang kabiguan ng NGCP na magsumite ng TOR at ITB sa Energy Department at kabiguan nitong maglathala at mapanatili sa kanialng website ang ITB bago ang approval ng DOE ng TOR at ITB bilang dagdag na paglabag.

Sa isinumiteng explanation naman ng NGCP,inamin nito na hinsi sila nag-comply sa Section 7.4 ng AS-CSp policy dahil wala umanong bisa ang naturang probisyon.