Kampante ang National Electrification Administration(NEA) na maaabot na ng bansa ang total electrification pagsapit ng 2028, bago bababa sa pwesto si Pang. Ferdinand marcos Jr.
Ayon kay Administrator Antonio Mariano Almeda, makakatulong ng malaki ang kanilang programang ‘sitio electrification program’ upang makamit ang nasabing target.
Kung masusunod ang mga inilatag na programa sa ilalim nito aniya, kakayaning maabot ang nasabing target.
Sa ilalim kasi ng Sitio Electrificaion Program, tutulungan ng pamahalaan ang mga kooperatiba sa mga pamamagitan ng mga kooperatiba, upang mapaangat ang rural electrification sa bansa.
Batay aniya sa 2020 census, kailangang tugunan ng NEA ang kabuuang 11,114 sitios mula 2023 hanggang 2028.
Ibig sabihin aniya, kailangan ng kabuuang P31.70billion upang magawa ito bago bababa sa pwesto si Pang. Marcos.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga Kooperatiba at ng subsidiya mula sa pamahalaan, maaari aniyang matugunan ang ganitong kalaking pangangailangan, para mabigyan na ng supply ng kuryente ang mga nalalabing sitio na walang pang kuryente.