Todo ngayon ang panawagan ng National Economic Development Authority o NEDA na isama na ang climate action sa development plans ng bansa.
Ito ay dahil na rin sa mga kalamidad na nararanasan sa bansa gaya ng bagyo at ang mga lindol.
Kung maalala, kagabi lamang nang niyanig ng lindol ang Ilocos region.
Una rito, inihayag ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan na mahalaga ang climate action sa development plans ng bansa kasabay ng paglulunsad ng Philippine Country Climate and Development Report ng World Bank Group.
Sinabi ni Balisacan, kumpara kasi sa ibang mga bansa sa buong mundo, ang Pilipinas ay madalas makaranas ng masamang panahon at isa sa pinakaapektado ng climate change na nagdudulot ng malaking pinsala sa supply ng pagkain, mga kabahayan at kabuhayan.
Dagdag pa ni Balisacan, na mayroong maling pananaw sa mga bumubuo ng polisya na dapat mamili lamang sa environmental preservation at economic growth.
Ang nasabing Climate Action Plan ng World Bank ay magsisilbing guiding framework sa mga bansa para mapabuti ang programa at inisyatibo sa kanilang mga climate agenda.