BOMBO DAGUPAN – Ipinagdiwang ng Bureau of Jail Management and Penology Dagupan ang National Correction Consciousness Week 2023.
Ayon kay Jail Supt. Roque Constantino Sison III, Jail Warden sa nasabing ahensya, sa pamamagitan ng Philippine National Festival gaya ng; mascara festival, pintado festival, panag-benga festival, dinagyang festival, Ati-atihan Festival, at iba ay naipamalas ng mga ito ang kan-kanilang mga talento.
Aniya, isa sa ginanap nilang selebrasyon ay ang Street Dance Party, kung saan ay dito naman naipamalas ng mga PDL’s ang kanilang creativity, at kakayahan na makagawa ng mga disensyong talaga namang kagigiliwan ng mga makakakita.
Ang naturang pagdiriwang ay ginaganap tuwing huling linggo ng oktubre, kung saan bibnibigyan ang mga ito ng welfare and development bilang pagahahanda o preparasyon para sa kanilang paglaya.
Layunin naman ng nasabing aktibidad na bigyan silang kaalaman patungkol sa mga oportunidad sa labas ng piitan, ipakita sa publiko na parte pa rin ang mga PDL’s sa komunidad, at bigyang pag-asa ang mga ito sa kanilang nakatakdang paglabas sa piitan nang may buong pagtanggap ng publiko.