Nangako ang National Capital Region Police Office na makikipagtulungan sa imbestigasyon kaugnay sa dating mga pulis na kinasuhan ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa pagkawala ng apat na “sabungeros” noong 2021.
Ayon kay NCRPO chief Maj. Gen. Jonnel Estomo, inilagay na sa “restrictive custody” ang sangkot na police officers ng NCRPO.
Inirekomendang kasuhan ang mga suspek ng kidnapping at serious illegal detention gayundin ang paglabag sa Anti-Enforced or Involuntary Disappearance Act.
Muling iginiit ni Estomo na hindi kailanman maninindigan para sa anumang uri ng tahasang paglabag sa karapatang pantao, batas o kaayusan ng sinuman lalo na sa kanilang hanay.
Una ng na-relieve sa pwesto ang 11 akusadong pulis sa pagdukot sa magkapatid na sina Gio at Mico Mateo, Garry Matreo Jr. at Ronaldo Anonuevo noong April 13, 2022.