-- Advertisements --

Ipinagmalaki ni Tourism sec. Christina Garcia-frasco ang kauna-unahang Global Tourism Resilience Award na natanggap ng Pilipinas.

Ito ay para sa pagpapakita ng “global leadership, pioneering vision, at innovations para sa pagharap sa critical challenges at adversity.”

Bilang isa lamang sa limang bansa at destinasyon sa mundo na binanggit para sa inaugural awards, ang Pilipinas at ang iba pang mga “inaugural winners ay magsisilbing benchmarks para sa pinakamahusay na kasanayan sa tourism resilience.

Ayon sa World Travel Awards, matapos ang lahat ng mga pagkalugi at pagsubok na natamo mula sa pandemya at pagkatapos ng lahat ng mga hakbang na ginawa sa nakalipas na taon, hindi lamang para makabangon kundi para sa pag-transform ng turismo ng Pilipinas, nakita ang magandang bunga nito at iba pang tagumpay.

Kaugnay nito, pinasalamatan ng kalihim si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa kanyang visionary leadership, ganun din ang team ng Department of Tourism at sa lahat ng mga attached agencies nito.