-- Advertisements --

ILOILO CITY – May “persons of interest” na ang pulisya hinggil sa umano’y hold-up incident sa Pototan, Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Major Ciriaco Esquilarga, hepe ng Pototan Municipal Police Station, sinabi nito na nakunan na nila ng pahayag ang finance manager ng J&T express na siyang biktima ng holdaper.

Ayon sa hepe, ikinokonsidera nila ang anggulong “hold-up me” kung saan umabot sa P1.7 million ang natangay ng mga suspek.

Kinumpirma rin nito na mga suspek rin sa insidente ang lahat ng empleyado ng nasabing courier company sa dahilang sila lang naman ang nakakaalam sa lahat ng galaw ng kanilang finance manager.