-- Advertisements --

Nabili sa halagang halos $2-milyon ang isang kaha ng nasunog na lumanag Ferrari racing car.

Ang nasabing sasakyan ay nasunog habang nasa karera noong 1960 at hindi na ito nagalaw pa ng ilang dekada.

Minamaneho ito noon ni Franco Cortese ang unang racing driver ng Ferrari.

Ang 1954 na kotse ay 500 Mondial Spider Series 1 na isa sa 13 ginawa na ang katawan ay mula sa designer na si Prin Farina.

Noong 1954 minaeho ni Cortese ang Mondial sa 14th overall finish sa Mille Miglia o isang 1,000 mile race sa Italy.

Sa ilang taon ang nasabing sasakyan ay makailang beses na naibangga ang sasakyan at ito ay nasunog.

Taong 1978 ng ito ay nabili ng isang US collector at kaniyang na-preserve sa kaniyang damage condition.

Noong 2004 ang nasabing sasakyan ay nadiskubre kasama ang 19 na ibang Ferraris ng liparin ng hurricane ang bubong sa isang sakahan sa Florida kung saan nakatago ang nasabing sasakyan.

Ayon sa nakabili na nais niyang buuin ang nasabing sasakyan at muli niya itong isabak sa karera.