-- Advertisements --

Tinawanan lamang ni Nash Aguas ang kumalat na balitang nabuntis umano nito ang kaniyang kasintahang si Mika dela Cruz.

Nagsimula ang nasabing balita ng magpost ang dating child star ng larawan nila ng nobya.

Nakaputing damit si Mika kaya nagbiro si Nash na parang bibinyagan ito sa simbahan.

Mula ng lumabas ang nasabing larawan ay isang video sa YouTube ang kumalat na nagkukumpirma umano sa nabuntis umano ng actor ang nobya.

Agad nagbigay ng reaksong ang dating child actor sa kaniyang social media at sinabihan ang mga fans na huwag basta maniwala sa fake news na ikinalat ng nag-upload ng video.

-- Advertisement --

Nasa dalawang taon ng magkasintahan ang dalawa.