Umakyat na sa 131 ang nasawi sa malakihang wildfires sa Chile. Umabot na rin sa 300 katao ang naiulat na nawawala.
Sinasabing ang pagsiklab ng apoy sa Valparaiso sa Chile ang deadliest disaster sa bansa simula taong 2010.
Base sa imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa isang beach resort sa kabundukan ng Vina del Mar. Dahil sa malakas na hangin at tagtuyot na panahon, mabilis itong kumalat sa iba pang mga bayan.
Ayon naman sa Forensic Medical Service ng bansa, maraming bangkay ang hindi na makilala dahil sa lala ng pagkakasunog ngunit kukunin nila ang sample ng genetic material ng mga ito para malaman kung kabilang sila sa mga naiulat na nawawala.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang United Nations at inanunsiyong magbibigay sila ng tulong sa Chile.