-- Advertisements --
Nagtala ng pitong katao ang nasawi matapos na dapuan ng COVID-19 sa Shanghai, China.
Dahil dito ay aabot na sa 10 katao ang nasawi mula ng magpatupad ang gobyerno ng total lockdown.
Iginigiit kasi ng Chian na magkakaroon ng zero-COVID policy dahil sa ipinatupad na hard lockdowns, mass testing at ang mahabang quarantines.
Sa pinakahuling bilang ay mayroong mahigit 20,000 na kaso ng COVID-19 ang naitala ng China na karamihan ay mga asymptomatic.
Magugunitang maraming mga residente ang nagprotesta dahil sa ipinatupad na lockdown ng gobyerno ng China.