CAUAYAN CITY – Umabot sa 19 ang nasawi sa Region 2 dahil sa pagkalunod simula noong April 1 hanggang kahapon, April 10, 2023.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Michael Conag, Information Officer ng Office of Civil Defense (OCD) Region 2 na sa 19 na nasawi ay pinakamarami ang naitala sa lalawigan ng Cagayan na 8, habang 7 sa Isabela at ang iba ay naitala sa mga lalawigan ng Quirino at Nueva Vizcaya.
Ang pangunahing dahilan ng pagkakalunod ng mga biktima ay dahil sa social gathering at kalasingan.
Samantala, nagtala ng 129 injured dahil sa aksidente sa buong rehiyon at ang Nueva Vizcaya ang nagtala ng pinakamaraming biktima.
Dapat aniyang higpitan pa ng mga Local Government Units at pulisya ang pagbabantay sa mga ilog at resorts upang maiwasan na may masawi dahil sa pagkalunod.
Ngayong araw ng Martes ibababa na ng OCD region 2 ang kanilang alerto sa Blue Alert hanggang April 18, 2023.