-- Advertisements --

Napanatili ng bagyong Verbena ang lakas nito habang tinatahak ang West Philippine Sea.

Ayon sa datos ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nakita ang sentro ng bagyo sa may 215 kilometers ng North Northeast ng Pag-asa Island, Kalayaan, Palawan.

May taglay pa rin itong lakas ng hangin ng hanggang 95 kilometers per hour at pagbugso ng hanggang 115 kph.

Nakataas sa typhoon signal number 1 ang Kalayaan Islands.

Inaasahan na tuluyan ng lalabas sa Philippine Area of Responsibility ang bagyo bukas, Nobyembre 27 ng umaga.