-- Advertisements --

Umabot na sa tatlo katao ang bilang ng nasawi sa naranasang baha at landslide sa Oriental Mindoro.

Nagmula ang mga biktima sa Naujan at Socorro ng naturang probinsya.

Ang ibang mga residente naman ay pinalikas na rin, habang nananatili ang mga pagbaha.

Sa kabuuan, nasa 11 barangay sa Naujan ang apektado ng mataas na level ng tubig.

Nilinaw naman ng Pagasa na tail-end ng cold front ang nagdudulot ng ulan sa Mimaropa area.

Kaugnay nito, naglaan na ng tulong ang NDRRMC para sa mga lugar na patuloy na nakakaranas ng pagbaha, kasama na ang Mindoro provinces, Cagayan at ilang parte ng Bicol.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesman Mark Timbal sa panayam ng Bombo Radyo, tinutulungan na nila ang mga lokal na gobyerno, para maalalayan ang mga residenteng nasalanta.