-- Advertisements --

Nadagdagan pa ang bilang ng mga namatay dahil sa naranasang pagbaha sa Germany.

Ito’y matapos umakyat na sa 81 ang patay habang nananatiling marami ang missing.

Dumarami ang bilang nga mga namatay matapos umapaw ang tubig sa mga river banks.

Nasa 11 na ang patay sa Belgim dahil pa rin sa masamang panahon.

Isinisisi ng mga residente ang matinding global warming kung kaya’t naranasan ng kanilang bansa ang grabeng pagbaha.

Nauna nang sinabi ng mga eksperto na aasahan ang pagbabago ng klima dahil sa mga matinding kaganapan sa panahon, ngunit ang pag-uugnay nito sa global warming ay kumplikado.

Napag-alaman na na sa 15,000 police, sundalo at emergency service workers na ang idineploy sa mga binahang lugar upang magsagawa ng search at rescue operarions.

Gumamit na rin ang bansa ng helicopter sa mga residenteng na-stranded sa bubong.

Nilinis na rin ang mga kalsada na puno ng mga natumbang puno at debris.

Tiniyak naman ni German Chancellor Angela Merkel na magbibigay siya ng full support sa mga binaha.