-- Advertisements --

Inihayag ng Malacañang na marapat lamang si na magsabi ng katotohanan si dating Ako-Bicol Representative Zaldy Co kaugnay ng isyu ng maanomalyang flood control projects, kasunod ng kanyang pagkakaaresto sa Prague, Czech Republic.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, mas mahalagang tanong ngayon kung handa si Co na ilahad ang kanyang nalalaman, kaysa sa mga nauna nitong paratang laban sa Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Dagdag ni Castro, bukas ang Pangulo sa anumang impormasyon na maaaring makatulong sa imbestigasyon at pagtukoy sa mga dapat managot. Binigyang-diin din niyang walang pinapanigan ang administrasyon at hindi nito hinuhusgahan kung sino ang guilty o hindi, ngunit kinakailangang sumailalim sa tamang proseso ang lahat ng sangkot.

Ysa – 6PM BNN LIVE REPORT (via phone patch)

HEADLINE #1: Zaldy Co, hinimok ng Palasyo na isiwalat ang nalalaman sa flood coontrol issue; pag-aresto sa kanya, oportunidad para ilatad ang katotohanan

HEADLINE #2: Posibleng kaso vs Fake News Peddlers, binigyang-diin ng Malacañang

AV USEC CLAIRE CASTRO – PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OFFICE
LOOPS: ZALDY CO // MALACANANG // PBBM // FLOOD CONTROL ISSUE

Loc: MALACAÑANG


Inihayag ng Malacañang na marapat lamang si na magsabi ng katotohanan si dating Ako-Bicol Representative Zaldy Co kaugnay ng isyu ng maanomalyang flood control projects, kasunod ng kanyang pagkakaaresto sa Prague, Czech Republic.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, mas mahalagang tanong ngayon kung handa si Co na ilahad ang kanyang nalalaman, kaysa sa mga nauna nitong paratang laban sa Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Dagdag ni Castro, bukas ang Pangulo sa anumang impormasyon na maaaring makatulong sa imbestigasyon at pagtukoy sa mga dapat managot. Binigyang-diin din niyang walang pinapanigan ang administrasyon at hindi nito hinuhusgahan kung sino ang guilty o hindi, ngunit kinakailangang sumailalim sa tamang proseso ang lahat ng sangkot.

Sinabi rin ng Malacañang na positibong hakbang ang pagkakadakip kay Co sa kampanya ng pamahalaan laban sa korapsyon. Kaugnay nito, tiniyak ng pamahalaan na patuloy ang koordinasyon sa Czech authorities upang mapauwi si Co sa Pilipinas at harapin ang mga kasong kinahaharap nito.