Pinuri ng dating tennis standout na si Cecil Mamiit ang patuloy na pag-angat ng karera ng batang tennis star na si Alex Eala, kasunod ng kanyang makasaysayang performance sa international circuit, kabilang ang kaniyang breakout run sa 2025 Miami Open.
Ayon kay Mamiit, ang 20-anyos na si Eala ay nagpapakita ng malaking potensyal at maturity sa kanyang laro, lalo na sa kakayahan nitong bumangon at manatiling matatag sa court.
Binanggit din niya na malaking tulong ang suporta ng pamilya at ang training environment ni Eala, kabilang ang kanyang development sa Rafa Nadal Academy, na nakakatulong sa patuloy na pag-improve ng kanyang laro.
Tinawag pa si Eala bilang isa sa mga posibleng “future face” ng Philippine tennis at inihalintulad pa sa isang “female Manny Pacquiao” dahil sa global impact ng kanyang career.
Gayunpaman, pinaalalahanan din ni Mamiit na mahalaga ang tamang pag-manage ng pressure at pagtuon sa long-term career development, dahil mas mahaba pa ang maaaring abutin ng kanyang propesyon bilang professional athlete.
















