-- Advertisements --

Pumalo na sa mahigit 1,000 katao ang nasawi sa Lebanon matapos ang ginawang pag-atake ng Israel.

Ayon sa Health Ministry ng Lebanon na mayroong kabuuang 1,094 ang nasawi.

Bukod pa dito ay mayroong 3,119 na iba pa ang sugatan mula ng simulan ng Israel ang pag-atake noong Marso 2.

Hindi pa kabilang dito ang panibagong 22 katao na nasawi at 153 naman ang sugatan.

Magugunitang tinarget ng Israel ang mga kuta ng ilang militanteng grupo na nakikipag-alyansa sa Iran.