-- Advertisements --

Umabot na sa 177 ang bilang ng mga nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Odette.

Batay ito sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Miyerkules, Disyembre 22, 2021, kung saan nakapagtala rin ng 275 na nasugatan at 38 na nawawala.

Pero nilinaw ng NDRRMC na sa nasabing bilang ay 11 pa lamang ang kumpirmadong nasawi sa bagyo.

Nagmula ang mga ito sa Palawan, Iloilo, Guimaras, Negros Occidental, Bohol, Bukidnon, at Misamis Oriental.

Nasa 109,601 pamilya o 446,939 indibidwal ang pansamantalang sumisilong sa 2,505 evacuation centers.

Habang 13,144 kabahayan ang partially damaged at 2,474 totally damaged.

Sa ngayon, mahigit P323 milyon ang iniwang pinsala ng bagyo sa agrikultura at mahigit P227 milyon naman sa imprastraktura.