Umakyat pa sa 158 katao ang nasawi dahil sa Severe Tropical Storm Paeng ayon sa latest report mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Karamihan sa mga bagong fatalities na naiulat ay sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kung saan nasa 63 katao ang nasawi sinundan ng Western Visayas na may 36 indibidwala ang namatay at Calabarzon na may 33 katao ang nasawi.
Ayon sa NDRRMC, nasa 123 pa lamang ang kumpirmado habang ang nalalabi naman ay kasalukuyang sumasailalim sa validation.
Mayroong 142 katao naman ang nasugatan at 34 indibidwal pa rin ang nawawala.
Nasa mahigit 4.8 million katao naman o 1.3 million mga pamilya pa rin ang apektado mula sa mga nabanggit na rehiyon na sinalanta ng bagyo.
Mayroon pa ring mga mahigit 10,000 pamilya ang nananatili sa mga evacuation centers habang nasa mahigit 200,000 pamilya pa rin ang nanunuluyan sa kanilang kamg-anak o kaibigan.
Nakapagtala din ang 53,210 kabahayan ang nasira kung saan mahigit 48,000 dito ang bahagyang napinsala habang nasa halos 5000 naman ang totally damage.
Sa sektor naman ng agrikultura, nasa P2.9 billion na ang halaga ng pinsala at sa imprastruktura naman ay umaabot na sa P4.514 billion.