-- Advertisements --
Nasa 1,000 katao na ang nasawi matapos na dapuan ng dengue sa Bangladesh.
Tumaas ang nasabing kaso ng dengue dahil sa ilang araw na malalakas na pag-ulan sa bansa.
Pinangangambahan ng mga otoridad ang pagtaas ng bilang ng kaso ng masasawi dahil sa puno na ang mga pagamutan.
Base sa kanilang pagtaya na hindi bababa sa 20 katao ang namamatay dahil sa dengue kada araw.
Dahil dito ay patuloy ang ginagawang pagbibigay alam sa mga mamamayan kung paano maiwasang kumalat ang nasabing dengue virus.